better than my dreams

I’m not fond of melodramatic people. Yung mga madadrama lalo na yung matatampuhin. Di naman maiiwasan yung magdrama. Pero yung to the point na, araw-araw nalang wala ka nang nakikitang maganda dyan sa buhay mo at yung mga simpleng bagay ginagawa mo ng komplikado. Please.

Pero siya. Kahit ganun siya. I don’t know how does he do it pero he’s making me patient with those things. Parang napakamadrama niya na kahit yung mga petty things, ikinatatampo niya. But still, napakahaba ng pasensya ko para lambingin siya. Para pagaanin yung loob niya. “Love brings out the different you; the other side of you.”

Hahaha! Corny ba? No. It’s Love.

kwekwentuhankita:

WAG MAGPAPALOKO. HAHAHA. UNANG ARAW NG ABRIL

kwekwentuhankita:

WAG MAGPAPALOKO. HAHAHA. UNANG ARAW NG ABRIL

1681

Gusto ko magsummer job. Gusto ko magkapera. Gusto ko bumili. Gusto ko maglayag. Gusto ko mga pangarap ko’y mangyari agad. Gusto kong lumangoy. Gusto kong lumipad.

Do’s and Dont’s para hindi madapa kapag nakaheels

Do’s:

  • Umupo
  • Wag gumalaw
  • Umupo lang

Don’ts

  • Tumayo
  • Maglakad
  • At tumayo ulit
(c) urbandictionary.com

(c) urbandictionary.com

8
83557

Naalimpungatan ako sa biglaang pagbukas ng bintana dahil sa lakas at lamig ng hangin. Pupungay-pungay ang aking mga mata at patulog na ulit nang may malakas na kumatok sa aking pintuan. Kumabog ang aking puso ngunit hindi na lamang ito pinansin. Papikit palang ako ngunit kumatok ulit ang kung sinumang nasa likod ng pinto. At sa pangalawang pagkakataon, mas malakas na ito at parang galit na galit. Dito na ko nagsimulang matakot. Kinuskos ko ang aking mga mata at inialis ang kumot na nakabalot sa aking katawan. Unti-unti akong naglakad dahil sa aking nanginginig na mga tuhod. Pagkarating sa pinto, hinawakan ko ang door knob at pinihit ito. Nagulat ako nang makita ko ang isang babaeng nakayuko suot ang daster na puti, tumataghoy. Ang kanyang iyak ay tila isang malungkot na musika na nakapagtataas ng balahibo. Nanginginig ako’t di makagalaw. Iniangat niya ang ulo niya. Hindi ko maaninag ang kanyang mukha nang dahil sa dilim ng paligid. Ang tanging nakikita ko lamang ay ang kanyang labing bitak bitak at tila dudugo na. Bumukas ito at sinabi, “Pahiram ng lip balm. May wind burn ako.”

333187
kwentoniblack asked Maraming salamay sayo kaibigan. Sana marami tayo matutunan sa isat-isa.

Maraming salamat din po, kaibigan! :)

Kadalasan talaga sa buhay yung mga effort mo, hindi napapansin. Kaya isipin mo nalang, hindi para sakanila yan. Para sa’yo din mismo. Para kung mareject ka man, at least masaya ka dahil you did your best.